Waiting for the Miracle

Monday, July 30, 2007

corrida de toros

Isa sa pinakamaaksyong gabi sa aking pananatili rito sa España ang panonood ng isang bullfight, o Corrida de Toros, sa Plaza de Toros ng Ciudad Real. Hindi gaanong kilala ang Ciudad Real sa mga bullfight gaya ng Toledo kung kaya naman kaunti lang ang nanonood (hindi rin naman bigatin ang mga matador sa gabing ito, mga bata kasi). Mura rin pala napasukan namin, 5€.

Sa simula, tinetesting pa ng matador at mga banderillo (mga assistant ng matador) ang toro. Energetic pa ang toro sa mga sandaling ito. May isa pa ngang sa sobrang excitement ay nasuwag ang lupa at napatambling. Akala ko mababalian ng leeg yung toro. Ang laki kasi tapos sisirko nang ganun. 475-515 kgs pala ang mga napanood naming mga toro.



May tatlong bahagi ang isang bullfight at ang bawat isa ay nagsisimula sa hudyat ng mga trumpeta. Ang unang bahagi ay ang ang tercio de varas, kung saan ang pumapasok sa ring ang dalawang picadores (lancers) at ang isa sa kanila ay sisibatin ang toro sa batok. Sila yung mga nakasakay sa kabayong may piring ang mga mata. Kadalasang nasusuwag ng mga toro ang mga kabayo, kawawa naman. Sa napanood ko, bumulagta yung isang kabayo at nasuwag yung matandang picador pagkatpos ay dinaan-daanan pa nang paulit-ulit ng toro. Nakatayo pa naman siya sa huli. Comedy rin pala dahil natanggal yung talim ng sibat sa isang fight.


Ang ikalawang bahagi ay ang tercio de banderillas kung saan naman may tatlong banderillo na susubok isa-isa na magtusok ng dalawang banderilla sa likod ng toro. Minsan magaling ang mga banderillo, minsan naman malas, isa lang ang naitutusok. Yung ibang mas malas, nasusuwag din, gaya nung napanood ko rin sa gabing ito. Kawawa rin.


Sa huling bahagi, yung toro na yung kawawa. Ito ang tinatawag na tercio de muerte, o third of death. Dito na papatayin ang toro gamit ang espada, matapos tusukin ng sibat at sundutin ng mga banderilla sa unang dalawang bahagi. Minsan, sumusuka ng dugo ang bull, minsan babagsak na lang. Sa napanood ko, may bull na hindi namatay at pinabalik na lang sa pinanggalingan. Meron ding matador na nasuwag at binuhat palabas ng ring. Yung toro na nakasuwag sa kanya yung hindi namatay.


Anim na toro ang napanood ko sa buong gabi.
Sa huli,ang iskor ay humans 5, toros 0 (kung pagbabasihan ang dami casualties).
Toros killed: 5
Humans killed: 0
Humans injured: 4
Horses taken down: 1
Total cost: 7€ (5€ entrance, 2€ yung coke in can)


~~~

Qu'est-ce que je veux?

~^_^~

1 Comments:

  • hi kuya! kawawa naman yung bull... :(

    By Anonymous Anonymous, At 12:27 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home