Waiting for the Miracle

Thursday, May 03, 2007

the bosing chronicles

Dear Bosing,

Ano ba problema mo?

Bakit ginawa mo akong ganito? Inilagay mo ako sa posisyong alam mong hindi ko kaya. Alam kong alam mo 'yun pero tinuloy mo pa rin. Pwede mo naman akong ilagay sa puwestong iba ang mga ka-trabaho para hindi na nagsimula ang lahat. Bakit hindi???

Maling-mali eh.

Bakit kasi hindi mo na lang ako nilagay sa Zimbabwe 'nung umpisa pa lang para malayo na 'ko?

Bakit kasi hindi mo na lang ako nilagay kasama ng mga bulag para wala na akong nakita?

Pwede naman akong maging buhangin para walang nararamdaman. Bakit nga hindi?

Hindi ko naman hiniling ang ganitong mga katangian. Ok lang naman, pero mas ok yata kung iba ang makikinabang.

Alam mo naman kasing mag-eenjoy ako sa trabaho ko. Pero sana naman, inilagay mo na 'ko sa permanenteng posisyon. Ayaw ko nang palipat-lipat gaya ng dati. Sawa na 'ko eh.

Request lang: ibalik mo na 'ko kung saan ako nanggaling. Kasama mo riyan sa taas. Please lang, kunin mo na ko rito.

Kung ayaw mo, eh di 'wag. Baka may plano kang iba. Ipo-promote mo ba 'ko? Ililipat mo na naman ba 'ko. 'Wag na lang bosing. Sisantihin mo na lang ako, mas tatanggapin ko pa.

Ayaw mo pa rin? Ako aakyat riyan.


~~~

The waiting dies with me.

~^_^~

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home