Waiting for the Miracle

Friday, April 27, 2007

patataaaaas! part ii

Medyo late 'tong post na 'to, pero...

Yehehesss!

<---- Nakikita niyo ba 'yan?

Baked patatas 'yan. Baked!

Hindi french fried patatas, hindi mashed patatas, at mas lalong hindi patatas chip.

Baked! Jaz-hawaylayket!

~~~



Matagal na panahon din akong hindi natikim ng baked papatas. Kayang-kaya kong gawin 'to dahil mahilig akong magluto pero wala akong panahon last sem, kahit gaano pa kadali siya gawin.


Nag-s-stroll lang ako 'nun kasama ang aking seestar-dear nang mapatingin ako sa kanan. Ayun. Tumitingin din siya sa 'kin. Tinanong niya, "Ako ba ang hanap mo?"

Sabi ko nang taos-puso, "Yes, you are the one I've been searching for."

"Then take me," the patatas said, tempting me with the invitation.

"Yes. Yes, maybe I will," ang akin lang nasabi habang tutok ang mga mata ko sa kanya. Walang kurap.

~~~

At 'yun nga ang ginawa ko. Walang akong pera 'nun. Bingiyan pa ko ng kapatid kong mas bata sa 'kin ng limang taon.

Masarap ang baked patatas. Kahit na kulang sa pagka-crispy ang bacon bits at medyo maalat the melted cheese, ayos na siya.

Masaya ako para sa akin at sa baked patatas na rin. Alam kong gusto niya naman ang nangyari sa kanya kaya wala akong pagsisisi sa aking pagnamnam.

I saw the patatas. The patatas saw me. It was over right then and there.


~~~

La pomme de terre au four. C'est à moi et je l'aime.

~^_^~

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home