Waiting for the Miracle

Monday, March 19, 2007

patataaaaas!

Naramdaman ko 'yung lamig ng aircon sa mga binti ko kahit nakabalot na ko sa sleeping bag ko. Mga 7:30 ng gabi 'nun nang biglang maalimpungatan ako at nabanggit sa sarili:

Syet.

Gusto kong kumain ng patatas.

'Yung baked potato.

Kaso nasa UP ako 'nun. Sa lab pa. Saan naman lupalop ng mundo ako makakahanap ng patatas ngayon? Tae.

Lumabas ako ng kwartong kinahihigaan ko at binuksan ang monitor ng PC. Binago ko ang status message ko:

"gusto kong kumain ng patatas!!! tara! sabihan niyo ko kain tayo!!! maghanap tayong patatas ngayon!"

Pero wala. Walang nagmamahal sa 'kin na gusto akong damayang kumain ng patatas. Kahit maghanap man lang! What kind of friends are you?!

Tinanong ni D'Catch kung gusto kong french fries. Sabi ko, ayaw. Tinanong ni Pistolero kung gusto kong potato chips. Sabi ko, ayaw. Tinanong ni Antonio Bandanas kung gusto kong mag KFC 'tas mashed potato. Sabi ko, ayaw.

Gusto kong ngang patatas, pero gusto ko 'yung baked potato! Ano ba?!

Naglilihi na talaga 'ko.


~~~

Je veux mon pomme de terre!

~^_^~

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home