takdang pananong
Ang bawat suksok ba'y may katumbas na dukot?
tiyaga, mayroon bang nilaga?
ilusyon, may katotohanan?
kwarta, may kahon?
Ano ba ang gamot sa kaululan?
yaong plasebo bang handog ng akademya?
Ano naman ang solusyon sa paranoya?
kawalan ng malay?
Aanhin pa ba ang damo kung patay naman ito?
Nagtanim ka, may inani ba?
Liwanag ba sa dilim ang tanaw?
Anino lamang ba sa pisngi ng araw?
Hudyat ba ng pagliyab ang usok?
Ang pagkahumaling ba ay pagtataksil?
May lusot ba ang lahat ng gusot?
Panaginip lamang ba?
Lilimutin o lilikutin?
Paano tibagin ang pader na hindi nakikita?
aakyatin ba?
~~~
Eto, subukan mo.
~^_^~
tiyaga, mayroon bang nilaga?
ilusyon, may katotohanan?
kwarta, may kahon?
Ano ba ang gamot sa kaululan?
yaong plasebo bang handog ng akademya?
Ano naman ang solusyon sa paranoya?
kawalan ng malay?
Aanhin pa ba ang damo kung patay naman ito?
Nagtanim ka, may inani ba?
Liwanag ba sa dilim ang tanaw?
Anino lamang ba sa pisngi ng araw?
Hudyat ba ng pagliyab ang usok?
Ang pagkahumaling ba ay pagtataksil?
May lusot ba ang lahat ng gusot?
Panaginip lamang ba?
Lilimutin o lilikutin?
Paano tibagin ang pader na hindi nakikita?
aakyatin ba?
~~~
Eto, subukan mo.
~^_^~
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home