Waiting for the Miracle

Saturday, February 17, 2007

hindi na uso ang balentayms

Wala akong Valentine's post. Pangit 'yun! Wala rin akong post Valentine's post. Pangit din 'yun! Gagawa na lang ako ngayon ng pre-Valentine's post. 'Yun bang para sa 2008 na, para cool dude na naman ako.

Ano ba nilalagay ko sa pre-balentayms post ko? Hmm.

~~~

Balak kong mag-date sa susunod na pebrerokatorse. Masaya kasi 'pag nagde-date sa eksakto-puntong Valentine's, kahit na maraming tao. Dinudumog kasi ng mga magsyo-syoting ang kung alin mang kasuluk-sulukan ng daigdig. Pero kahit na ganun, masaya pa rin naman. Basta ayos ang kasama ko.

Hindi naman ako mapili sa date eh. Basta tao, pwede na. Kahit hindi nga tao eh, ayos lang din. Hindi talaga ako mapili. Ang gusto ko lang, 'yung papayag na makipag-date sa 'kin. Ay, meron pa pala. Gusto ko rin pala 'yung mahilig sa sports, marunong magsayaw, marunong tumugtog ng gitara, mas matangkad sa 'kin, makulit kausap, at medyo galante. Kung macho-papa at may kulay ang hairlaloo, bonus na 'yun. Hindi talaga ako mapili.

Kung magde-date man ako, sa tabi-tabi lang. Walang datung eh. Kahit pa-stroll-stroll lang sa kasukalan ng Manila Zoo, oks na oks na. Pwede nga rin sa Wildlife sa kanto ng Q.Av eh. P8 lang ang entrance ng matatanda, P5 lang sa mga bata. O diba, san ka pa?! Paborito ko kasi 'yung mga matsing eh, lalo na 'pag nakikita ko silang kumakain. Naiinggit ako eh. How cuuuute!

Pwede rin namang manood ng sine. Kaso ayaw ko ng nakakatakot. Lumalabas kasi pagka-girlash ng lola mo. TO na TO sa ka-date. Ok na 'yung manood kami ng sine. Habang nakatingin siya sa tabing, nakapokus naman ang eyeballs ko sa kanya. 'Pag napatingin siya sa 'kin, ibabalik ko ng mabilis 'yung mga mata ko sa screen, para hindi halatang iba pinapanood ko. O kaya naman, 'pag tatawa siya, tatawa rin ako. Pasok diba?

Pagkatapos manood ng sine, pwedeng kumain 'pag hungerness na. Sa gilid ng mga LRT station, maraming lafangan dun. Ayus na. O kaya kahit nga mag-footlong lang ayus na. Mahilig ako sa mahahaba eh. Swak! Or if I really want to, yayayain kong bumalik 'yung ka-date ko sa zoo, sasamahan ko 'yung mga unggoy dun na kumakain ng... turon.

Tama na siguro 'yung date na ganun, no? Kadilak na lang pauwi, para may HHWW moment naman kami. O diba? Date pa lang napisil-pisil ko na 'yung mga kalyo niya sa palad. 'Pag nasa tapat na kami ng mansyon nila, sasabihin kong nakangiti, "Happy birthday, baby. Alabyu! Sana, 'di na tayo mag-away. Sana blah blah blah..."

Tatahimik ang kamunduhan, magdidilim ang paligid puwera ang ilaw sa ibabaw ng kinatatayuan, magiging seryoso ang postura, hahawakan ang mga kamay nang muli, titingnan ang bawat kislap sa mata, at bibigkasin ang mga salitang nabitag sa puso sa napakahabang panahon,

"Pwedeng pagamit ng kubeta? Kanina pa ko naje-jebs eh..."


~~~

Encore, s'il te plait. Encore, si'l te plait.

~^_^~

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home