ulul no. 5
Hindi ko matandaan kung may naisulat na ba ko tungkol sa pagsusulat. Kung mayroon man, matagal na 'yun at 'di ko na matandaan. Kung wala pa man, malamang ay naisip ko nang magsulat ngunit hindi ko na naituloy. Itong isang 'to, bahagyang tungkol sa pagsusulat, sa paraan ng pagsulat, o sa pagbabasa ng nakasulat.
Sa aking pagkakaalala, nasabi ko sa sarili kung gaano ka-impersonal ang pagsusulat. Nawawala kasi ang paraan o tono ng pagsasabi ng nakasulat, kasama ang damdaming inilaan ng nagsulat. Hindi ito iba sa pagti-text.
~~~
May nagtext sa 'kin kanina: Ulul.
Kaparehas ito nang sinend niya sa 'kin 3 beses na sa nakaraan: Ulul. Ulul. Ulul.
Sa bawat mensahe, iba-iba ang konteksto. Ngunit 'pag binasa ko, pare-pareho ang tono. Ulul na naman ako, pang-apat na beses na. Sinabi naman niya sa 'kin: Mahirap kaya pag text. Walang tono.
~~~
Napatanong din naman ako: Bakit hindi na lang kaya lagyan ng karagdagang deskripsyon ang bawat text upang matulungan ang nagbabasa?
Ulul (sostenuto, moderato) - Medyo okay na 'ulul'; friendly pa naman.
Ulul (vivace con brio) - Ito siguro 'yung 'ulul' nagsasabing ulul ka talaga.
Mahirap nga lang kung hindi mo alam ibig sabihin ng mga termino. Maaari rin namang may punctuation marks o emoticons:
Ulul! ;p - Masaya rin.
Ulul... - Parang expression ng hindi naniniwala sa mga sinasabi mo.
Ulul! i <3 u - Alanganin yata 'tong isang 'to...
Ulul! >:( - Alam mo na agad.
Ulul ü - Pang limang 'ulul' na natanggap ko sa text, at least may hudyat na masaya 'yung mood.
~~~
Siyempre, iba pa rin 'yung makita mo ang tunay na ekpresyon, bawat kontorsiyon, at anumang kontradiksiyon sa mukha ng sumulat.
~~~
Antok na ko. Susunod na lang ulit ako mag-i-Ingles.
~^_^~

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home