Waiting for the Miracle

Sunday, January 21, 2007

oishi

Na wi-wirduhan ako sa mga taong nakikipag-usap sa sarili nila. Pero napuna ko na ako rin pala ganun. Madalas nga akong ganun eh. 'Pag naglalakad, nakasakay sa tren, nakaupo, nakatihaya, nakadapa, jumi-jingle sa CR. Basta ngayon ko lang napag-isip-isip 'to. Akala ko palangiti lang ako. Ngayon, alam ko na kung bakit ako ngumingiti. Dahil 'yun sa mga konbersasyong nagaganap sa isip ko, na minsa'y nakahahanap ng lagusan sa aking bibig.

Kadalasang kausap ko eh 'yung mga taong gusto kong makausap o nakausap kamakailan lang at muli kong binibigyamg buhay ang aming engkwentro. Minsan naman, inilalagay ko ang sarili ko sa katauhan ng iba. Sa pamamagitan 'nun ay nangyayari ang usapan sa paraang nais ko.

~~~

Eksena:

Mga tauhan: Ako bilang Michael Jordan (MJ), Ako bilang Kobe Bryant (KB), Ako bilang ako (A).

A: Langya, Kobe is da man!

MJ: Onga, ang galing niya eh. Wala sa coach 'yan eh. Sa player talaga.

A: Umamin ka rin!

MJ: Ganun talaga eh, ako nag tsampyon pitong taon pagkatapos kong pumasok sa NBA, siya pagtapos lang ng tatlo. Gumagaling pa siya lalo ngayon. Ang gaganda ng mga pasa niya. Pang MVP laro niya eh.

(Papasok si Kobe.)

KB: MJ, apir tayo!

(Aapiran dapat ni MJ si Kobe, nang bilang tatanggalin ni Kobe ang kamay sa ere, sabay...)

KB: Oishi! Panis ka na naman! Weak!

A: Nice one.

Kahit anong wika nagagamit ng mga tauhan sa isip ko.


~~~

Tagal ko nang hindi nagsusulat sa tagalog ah. Medyo kinakalawang pa.

Huling post sa tagalog ay
ito, walang kwenta. Ito naman, may kaunting kwenta kahit papaano.

~^_^~

1 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home