Waiting for the Miracle

Friday, January 26, 2007

love notes

May nag-iwan ng isang mensahe sa tagboard ko kamakailan lang:


odetha: alam ko masaya ka na ngayon.. kitang-kita sa mga ngiti mo..ganyan ka rin dati sa akin..naalala ko tuloy yung kantang inawit mo nung binigay ko sa iyo ang matamis kong amplaya...


Matagal na kaming hindi nag-uusap o nagkikita ni Odetha. Sa katunayan, wala na akong pakialam sa kanya ngayon. Naging masaya ang aming pagsasama sa nakaraan, subalit iyon na nga natura-- ang nakaraan.

~~~

Odetha,

Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Hindi ko alam kung paano mo nalamang masaya ako ngayon at kung paano mo nakita ang aking mga ngiti. Isang bagay lang ang dapat mong itanim sa iyong isipan: hindi na para o dahil sa iyo ang mga iyon.

Noon ma'y masaya tayo sa piling ng isa't-isa, sa kasalukuya'y hinding-hindi na. Kung hahabol ka pa ay huwag na. Masasayang lang ang imaheng pinagpaguran mong makamit kung mamatahin ka ng sanlibutan bilang martir.

Inawit ko man para sa iyo ang kantang iyon, mananahimik na lamang ako ngayon. Matamis nga ang iyo, ngunit hindi ko ito paborito. Alam naman ng madla ang gusto ko. Hindi ito gumagapang tulad ng ampalaya mo.

Panahon ng pag-ibig noon. Panahon naman ng pagpapaliwanag ngayon. Maraming bagay ang wala sa tamang kinalalagyan. Maraming pangyayari ang hindi maeksplika. Maraming pamantayan ang nababali. Maraming ayaw ang nabibigyang puwang. Pasensiya na Odetha, ganoon lang talaga.

Kung ibig mo pang makipag-ugnayan sa akin ay maaari naman. Huwag mo lang lalagyan ng malisya, pakiusap lang. Patutunugan kita kung may magaganap na pagsulong sa aking mga laban. Sa ngayon, pumirmi ka lang muna riyan. Huwag mo nang sagutin ang liham kong ito. Hintayin mo na lang ang ibabalita ko.


Past is past,
thejoketh™


~~~

J'espère que tu m'entends.

~^_^~

6 Comments:

  • yung sayo nga dati ko pa binabasa eh hehe. add din kita. ~^_^~

    By Blogger thejoketh™, At 8:48 AM  

  • seryoso ang post.

    By Anonymous Anonymous, At 12:00 AM  

  • tsk3. ang mga past nga naman.

    By Anonymous Anonymous, At 1:01 PM  

  • past is past...

    ang lufet ng line mo!!!

    By Blogger sherma, At 4:00 PM  

  • That would have hurt, you know. If I would be that Odetha, surely, it would pierce right through my heart.

    But anyway, true, past would always be past. What I just hate about it is that getting over things is not as easy as it looks.

    But we'd still get over it anyway.

    By Anonymous Anonymous, At 6:27 PM  

  • @ivy, gerome, sherma: thanks for dropping by. i'll write about more interesting stuff soon :)

    @tea: i wrote it that way because i know i wouldn't be hurting anyone. it's all made up :)

    you're correct, some things are not as easy to get over as they may seem. but we do get over eventually.

    but what i hate more (than not getting over things) is regretting things. we can't make up for lost time and opportunity, you see...

    By Blogger thejoketh™, At 11:13 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home